Monday, November 2, 2009

Kung Papayagan Mo...


Krisis ng mundo
Dama ng kahit sino
Ibabagsak ka nito
Kung papayagan mo

Kahirapan ng bayan
Paulit-ulit na lang
At mauulit muli
Kung iyong papayagan

Bakit di mag-isip ng sagot,
Sa halip ng isa pang tanong na nakababagot?
Solusyon, kaibigan, sa halip na magturuan
Iyan ang kailangan kaya’t payagan mo naman!

Lahat ay posible kung papayagan mo
Kaya’t piliin kung anong posibleng nais mo
Kasaganaan; kahirapan; pagkakaisa; kanya-kanya;
Magdusa pang muli, papayag ka ba?


Protected by Copyscape plagiarism checker - duplicate content and unique article detection software.

No comments:

Post a Comment